Lunes, Enero 11, 2016

ang karanasan sa pagkbata at Maging hanggang sa ngayon"

"ANG AKING KARANASAN SA PAGKABATA AT MAGING HANGGANG SA NGAYON"

Mula sa pagkabata ay marami na akong karanasan na pinagdadaanan sa aking buhay . Marahil ang lahat ng iyon ay dala sa aking pagiging pagkatao .Upang maging malakas at sa pagiging responsable . Noon ay walang kamuwang muwang sa mundo ang aking isipan sa lahat ng bagay . Laro ! iyan lamang ang nakatatak sa aking isipan nung akoy bata  pa. Umiiyak pag indi mabigay ng magulang ang gusto, tumatampo kapag nilalambing  ng magulang ang ibang bata, humihingi ng pera pambili ng "ice cream" at kung ano-ano pa. Masarap maging bata dahil nagagawa natin ang ating gusto. Walang ibang iniisip kundi mamasyal kasama ang mga kalaro . At pagkasapit ng hapon ay tinatawag ng magulang upang kumain at maghuhugas ng katawan bago matulog. Ngunit tinuturuan parin tayo ng ating magulang kung panu maging responsableng bata,at pagiging responsable sa lahat ng bagay. At sa paging sa pagpasok sa paaralan ay binabantayan tayo para siguradong ligtas tayo, tinuturuan sa mga takdang aralin at lalong lalo na sa pagiging magalang sa mga matatanda.

Kaya hanggang sa ngayon ay na aaply ku parin ang mga natutunan ko sa aking pagkabata. Nagpapasalamat ako sa aking mga magulang sa pagiging matiisin at hindi napapagod sa pag alaga nung akoy musmus pa lamang. Kahit ano man ang mga pagsubok na dumarating sa buhay ko ay andyan parin sila na handang sumuporta. Dahil iba ang karanasan sa pagkabata keysa sasa ngayon. Noon ay wala kang kamuwang muwang sa mga sa nangyayari sa mga paligid ngunit ngayon ay marunong kana dahil meron kanang sapat na kaisipan upang umitindi. Sa pagiging "teenager" ay marami kanang may matutunan. Tulad nalang na lamang sa pagkakaroon ng karelasyon. Sa pag-ibig mung matutunan maging masaya at maging malungkot. Dahil iyan ang isa sa mga issue sa pagiging kabataan sa ngayon. At syempre hindi mawawala ang pagkakaroon ng irap at tiyaga. Lalo na akoy nag aaral. Lalo nat mayroong pangarap ang aking mga magulang sa akin. At hinding hindi ku yun malilimutan. Ako naman ang susukli sa lahat ng hirap na ginawa nila noon para sa akin. Yan po lamang ang ilan sa aking naranasan nung akoy bata at sa aking pag laki.